Trending Ngayon! BigBang, super sikat ang kanilang single na "Still Life"

 


 Nagbabalik ang isang Korean boy band na may pangalang "BigBang".
At sa kanilang pagbabalik ay pinatikim sa mga fans nila ang kanilang latest music single na may pamagat na "Still Life".

Ayon sa "Unang Balita", nabanggit ng YG Entertainment na siyang agency ng grupong BigBang na ang latest single ay naglalayong mapanumbalik ang mga good memories ng grupo.

Sa pagsalang ng "Still Life", kaagad na pumukaw ito ng damdamin ng napakaraming listeners. At ang isa sa mga social media platforms kung saan ay trending ito ay sa twitter.
Milyon-milyon ang inaning tweets ng nasabing music single. At napakaraming good comments.

Kaya masayang-masaya sina T.O.P, G-Dragon, Daesung at Taeyang. Nagpapasalamat sila sa mga fans na walang sawang tumatangkilik sa kanilang mga kanta.

Comments