"Nawala ako sa sarili ko dahil kay Ms. Nora Aunor", sabi ni Kyline Alcantara

 


 Ang mga tingin ng isang beterana sa pelikulang Pilipino at nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor ay talagang magpapawala sa iyong ulirat. Iba't ibang parangal na ang iginawad sa kanya dahil sa kanyang natatanging galing sa pag-arte at pagkanta.

"Kapag tinitigan ka ni Ms. Nora , mawawala ka sa sarili mo". "Ang daming nangyayari sa kanyang mata." "It's sparkling." Ganito ang sinabi ni Kyline Alcantara ng kinapanayam siya sa palabas na "Surprise Guest with Pia Archangel" ng GMA Network.

Nakatrabaho kasi ni Kyline si Nora Aunor sa isang palabas na may pamagat na "Bilangin ang Bituin sa Langit" Naikwento rin ni Kyline na napakalaking karangalan ang makatrabaho niya si Ms. Nora Aunor. Dahil dati pa ay talagang iniidolo na niya ito at isa sa pangarap niya ay makasama niya sa isang eksena si Nora Aunor.

Si Kyline Alcantara ay isa sa mga sikat na young stars ng Kapuso Network. Bukod sa magaling siyang umarte sa harap ng kamera ay nabiyayaan din siya ng napakagandang boses sa pagkanta.

WATCH: Mga kakaibang bagay na hindi mo alam kay Liza Soberano


Comments