Olivia Rodrigo, ipinagmamalaking niyang siya ay isang Pinoy

 


Maraming nakapanood sa "Good Morning America" noong kinapanayam si Olivia Rodrigo. Alamin natin kung ano ang sinabi niya na ikinatuwa ng maraming Pinoy.

Si Olivia Rodrigo ay maraming beses nang na nominate sa Grammy Awards. Siya ay isang Filipino-American singer na kumanta ng "Driver's License". At sikat din siya sa mga programa dati na "Bizaardvark" at "High School Musical".

Si Olivia ay may dugong Pinoy dahil sa kanyang tatay, samantala ang kanyang nanay naman ay may lahing German at Irish. Ipinanganak siya sa Murrieta, California.

Kamakailan ay ininterview siya sa palabas na "Good Morning America". At dito ay naikwento niya na bilib siya sa FIlipino community.

Nasabi niyang:
"I feel so proud to be a part of the Filipino community. They have been so lovely and are so welcoming and supportive of me."
~Olivia

Ayon din kay Olivia, ang lolo niya ang talagang nanirahan sa America simula noon pa at kahit nasa abroad na ay ipinagpatuloy pa rin nila ang tradisyong Pinoy at mga lutong Pinoy. Nakahiligan niya simula bata pa siya ang mga tugtuging may temang country music. At iniidolo niya rin ang sikat na singer na si Taylor Swift.

Unang nakilala si Olivia sa mundo ng musika ng kinanta niya ang mga awiting Deja Vu, Good 4 U at Traitor.
Ang kanyang album na may pamagat na "Sour" ay talaga namang nag-ingay globally at tinangkilik ng napakaraming tagahanga.

Lalo siyang sumikat ng kinilala siya bilang 2022 Woman of the Year. Maraming beses na rin siyang pinarangalan bilang "New Artist of the Year" sa iba't ibang award-giving bodies.

WATCH: Naging happy si Kris Aquino nang binisita siya ni Angel Locsin habang nasa hospital siya


Comments