Friendship nina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas


 

 Hanggang ngayon ay sikat na sikat si Ai-Ai delas Alas na tinaguring "Comedy Queen". Mapa-comedy, action, drama, fantasy, ay walang inuurungan si Ai-Ai. Bawat role na kanyang ginagampanan ay talaga namang nabibigyan niya ng buhay. At nabanggit niya rin na sa bawat role na ibinibigay sa kanya ay talagang masusi niyang pinag-aaralan. Para naman hindi siya mapahiya sa mga katrabaho niya.

At dahil sa kanyang galing, may bagong proyekto ang Kapuso Network para kay Ai-Ai.
Isang magandang role ang kanyang gagampanan sa nalalapit na palabas na sinasabing ang title ay "Raising Mamay". At sa pagkakataong ito ay heavy drama daw ang tema ng palabas.

Marami ring tagahanga si Kris Aquino. Tinagurian nga siyang Queen of Talk Show dahil sa galing niya sa pagsasalita. At sinasabi niya talaga kung ano ang totoong nararamdaman niya.

Sa isang pelikula, nagsama sina Kris at Ai-Ai. At natuwa ang napakaraming manonood ng sila ay napanood. Ang title ng movie na ito ay "Sisterakas" na ipinalabas noong taong 2012. Dahil sa pelikulang ito, mas lalong lumalim ang friendship nina Kris at Ai-Ai. Dahil nga sa pagiging close nila sa isa't isa, nagsasabihan sila ng mga bagay na nangyayari sa kanilang buhay. Maging masaya man ito o malungkot. Kapag may problema, madalas ay dinadamayan ni Ai-Ai si Kris. Kaya nga confident na confident si Kris na magsabi ng mga problema niya kay Ai-Ai. Taimtim namang nakikinig si Ai-Ai sa mga sinasabi ni Kris. Humihingi din si Kris ng mga advices kay Ai-Ai. At nagbibigay naman si Ai-Ai.

Samantala, kamakailan ay naikwento ni Ms. Cristy Fermin ang tunay na dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat ang maganda at matagal nang pagkakaibigan nina Kris at Ai-Ai.

Dahil nga sobrang open na si Kris kay Ai-Ai, one time ay kinausap ni Kris si Ai-Ai at nagpahayag ng kanyang suliranin tungkol sa pag-ibig. Nang panahong iyon, ang karelasyon ni Kris ay si James Yap. Marahil ay sobrang na-carried away si Ai-Ai sa mga sinasabi ni Kris sa kanya. At dahil super close sila sa isa't isa ay panig si Ai-Ai kay Kris at nagbigay siya ng best na payo para kay Kris.

Lumipas ang panahon, at bigla na lang kinausap ni James si Ai-Ai. Nagalit daw si James  kay Ai-Ai dahil bakit daw pinayuhan ni Ai-Ai si Kris na kung hindi na daw matiis ni Kris si James ay ibalik na lang ni Kris si James sa nanay niya. Gulat na gulat si Ai-Ai ng kinausap siya ni James tungkol dito. Dinepensahan naman ni Ai-Ai ang kanyang sarili na nagbigay lang naman siya ng honest opinion at advice kay Kris. At in the first place, si Kris ang unang lumapit sa kanya upang humingi ng tulong.

Dahil nga sa pangyayaring ito, nanlamig ang friendship nina Kris at Ai-Ai. At kasunod nito ay lumipat na ng istasyon si Ai-Ai. Mula ABS-CBN ay nagtungo na ito sa Kapuso Network. Pero ang sugat ay naghihilom din. Nang lumaon ay nagkaayos na din sina Kris at Ai-Ai. Naging magkaibigan na muli sila.

WATCH: Kailan at saan gaganapin ang Miss Universe Philippines 2022


Comments