Bakit naman daw ganun si Donita Rose kay Pops Fernandez?

 


Matagal nang mabuting magkaibigan sina Donita Rose at Pops Fernandez. At kahit ano sigurong joke ang ibato nila sa isa't isa ay hindi sumasama ang loob nila sa isa't isa.

Samantala, kamakailan ay gumawa ng ingay ang mga netizens nang makita nila ang isang picture na ipinost ni Pops Fernandez sa kanyang instagram page. May caption daw ito na:
"Kamusta ang gising nyo? Ako ito... pa cute lang hehehe. Good morning. Have a blessed day." ~ Pops



Kaagad namang maraming nag-like sa ipinost na ito ni Pops. At isa sa mga masugid na followers ni Pops at nagcomment sa recent post niya ay si Donita Rose. Sa comment ni Donita Rose, binanggit niya ang pangalang "Madam Auring".

Kasunod ng komentong ito ay ang reply ng ilang netizens na bakit naman daw ganun ang komento ni Donita Rose. Medyo offensive daw para kay Pops.

Samantala, sa kabila ng pag-iingay ng mga netizens tungkol sa litrato ay tila hindi naman big deal kay Pops ang nasabi ni Donita Rose tungkol sa kanya. Sure naman siya siguro na biro lang ito. At matagal na silang magkaibigan. Hindi na rin pinatulan ng dalawang aktres ang ingay na kanilang nakikita sa social media.

Sinasabing ang naturang picture na naipost ay binura na din kaya hindi na ito makikita sa instagram page.

WATCH: Kamusta na ba ang friendship nina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas?



Comments