Ruffa Gutierrez, ipinagpapatuloy ang college studies niya

 


Kahit ano pa ang sabihin natin, napakahalaga ng edukasyon sa buhay ng tao. Kaya naman kahit high school lang ang natapos ni Ruffa Gutierrez ay pinupursigi niyang matapos ang kanyang kurso sa kolehiyo ngayon. 

Ang kanyang kinakarera ngayon ay Communication Arts degree. Marami pa nga ang hindi nakakaalam na ipinagpapatuloy ni Ruffa ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Ngunit mas marami na ngayon ang naliwanagan kung bakit one time ay umabsent si Ruffa sa palabas ng Kapamilya Network na "It's Showtime" sa portion na "Sexy Babe". Ito ay dahil may practicum sa eskuwela si Ruffa at kailangan niyang umatend. 

Sinasabing sa July ng taong ito ay magtatapos na ng college si Ruffa. At dahil dito ay tuwang-tuwa at super proud ang mga anak ni Ruffa sa kanya.

Magandang ehemplo si Ruffa. Ang edad ng isang tao ay hindi hadlang upang makamit ang minimithi sa buhay. Kahit 47 na ngayon si Ruffa, proud siya na siya ay nag-aaral pa rin. Aniya, "Age is just a number".

PAALALA NI CHIZ ESCUDERO KAY HEART EVANGELISTA. Watch this:


Comments