Madalas ang pagbisita ni Rayver Cruz kay Julie Anne San Jose

 


Sinasabing napapadalas daw ang pagpunta ni Rayver Cruz sa bahay ni Julie Anne. At maraming tao ang nagpapalagay na "getting to know each other" na daw ang dalawa.

Nang may nangahas na magtanong kay Julie Anne kung nanliligaw ba daw sa kanya si Rayver ay ang sabi ni Julie Anne ay:
"Ang tingin ko po, mas mabuting siya na lang po ang tanungin nyo. Parang mas okay po kung sa kanya po manggagaling".

Samantala, may mga netizens ang nakapansin na ni-unfollow daw ni Janine Gutierrez si Julie Anne sa instagram ng dalaga.
Nagulat nga din daw si Julie Anne sa nangyari. Pero para sa kanya ay wala naman para sa kanya iyon. May kanya-kanya naman daw like and reasons ang bawat tao.
Si Janine Gutierrez ang ex-lover ni Rayver.
Samantala, base sa mga naglalabasang chika, nasa "masayang level" sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino ngayon.

Comments