Natupad na ang wish ni Wilma Doesnt

 

Noong nakaraang buwan, February, ay nag share ng photo si Wilma Doesnt at ipinapakita dito ang kanilang prenup photo nila ng kanyang partner.

Matapos ang napakatagal na paghihintay na 15 years ay natupad na rin ang pinaka-aasam ni Wilma Doesnt. Ito ay ang maganap ang dream wedding niya sa kanyang non-showbiz na partner na si Gerick Livelo. Opo, nangyari ang tinaguriang "ethereal wedding" sa Tagaytay City noong March 24. Sa mismong Aquila Crystal Palace. 

Bukod sa mga closest friends na dumalo sa engrandeng kasal, ang mga anak ni Wilma ang ilan sa mga gumanap na "candle sponsor", "Bible bearer", "veil sponsor", at "maid of honor". Samantala, naging "best man" naman ang lalaking anak ni Gerick na si Harley Parin.

Dumalo din sa garden wedding ni Wilma si Phoemela Barranda at mga friends nila sa modeling industry. Ang lumikha ng wedding gown ni Wilma ay si Randy Ortiz.

Nasaksikan ng maraming tao ang wedding ni Wilma dahil nagsagawa din sila ng Facebook live streaming habang ginaganap ang seremonya ng kasal.

Si Wilma Doesnt ay isang sikat na modelo sa Pilipinas, TV host at tv and film actress.

WATCH: Cultural Center of the Philippines, muling bubuksan


 

Comments