Kailan ang Miss Universe Philippines 2022


Ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang sa gaganaping Miss Universe Philippines 2022. Sinasabing ang magiging hosts  sa pageant na ito ay ang mga nakauwi na ng korona ng Miss Universe na sina Pia Wurtzbach, Iris Mittenaere, at Demi-Leigh Tebow.

Pinaghahandaan na talaga ng todo ng organisasyon ang nalalapit na Miss Universe Philippines na sinasabing gaganapin sa darating na April 30. At ayon sa kanila, ito ay idadaos sa Mall of Asia Arena. Napag-alaman ang magandang balitang ito ng sinabi ng Miss Universe Philippines Organization sa kanilang social media accounts.

Inaabangan din ng mga tao ang pagdating ni Harnaaz Kaur Sandhu ng India sa Pilipinas. Siya ang kinoronahang Miss Universe 2021 noong nakaraang Miss Universe pageant na ginanap sa Port of Eilat sa Israel.

Ngayon Miss Universe Philippines 2022, 50 kandidata ang rarampa sa entablado at magpapakita ng kanilang talino at galing.

WATCH: Paano nakilala ni Korina Sanchez si David Chua


Comments