Julio Diaz, binigyan ng magandang pag-asa


Mas lalong nakilala si Julio Diaz sa mga pelikulang

  • Kolehiyala
  • Kung Kasalanan Man
  • Kailan Ka Magiging Akin
  • at marami pang iba.

At madalas ay siya ang leading man ng mga sikat na aktres. Mapa-kontrabida man o bida, parating napapansin ang kanyang gandang lalaki at galing sa pag-arte.

Taong 2021, nabigyan ng magandang pag-asa si Julio Diaz. Dahil siya ay nakalaya na mula sa pagkakabilanggo. At para sa mga tagahanga niya, isang napakagandang balita ang inyong malalaman.

Nakalabas na ng piitan mula sa pagkakasangkot sa isang kontrobersya si Julio Diaz. At sa kanyang paglaya, mabuting buhay ang naghihintay sa kanya dahil inalok siya ng bumubuo ng Viva Artists Agency upang magkaroon muli ng kontrata sa Viva Films.

Sa edad na 63, sinasabing ang proyektong pinaghahandaan ngayon ni Julio ay may mga pamagat na Virgin Forest, Kaliwaan, Pusoy at gaganap din sa sa mga serye ng Vivamax original na may pamagat na Iskandalo.

Noon pa man ay nakitaan na talaga ng nakakabilib na galing si Julio Diaz sa larangan ng pag-arte sa harap ng kamera. Propesyonal siya kung magtrabaho kaya naman maraming proyekto na ang naging successful na kinabibilangan niya. Inaasahan ng Viva Films na magiging magandang muli ang kanilang mga proyekto na kasama si Julio Diaz katulad ng kinahinatnan ng pelikulang The Flor Contemplacion Story na kung saan ay nakasama ni Julio Diaz si Nora Aunor at Amy Austria.

WATCH: Kyline Alcantara, nawala sa sarili dahil kay Nora Aunor


Comments