John Lloyd Cruz at Jasmine Curtis-Smith, may bagong movie together

 


Ngayon pa lang ay excited na ang mga fans dahil sa nabalitaan nilang desidido na ang grupo na gawin ang movie na pagbibidahan ni John Lloyd Cruz. Matapos nga na lumipat ng istasyon si John Lloyd ay nagkaroon na agad ito ng sitcom sa TV na may pamagat na "Happy ToGetHer" na umeere tuwing Linggo ng gabi sa GMA 7. At hindi lang sa sitcom may plano ang istasyon para kay John Lloyd; maraming nakahandang movies na especially will be made for him.

Sinasabing sa nalalapit na filming ng unang pelikula ni John Lloyd Cruz bilang isang Kapuso artist, ang makakatambal niya dito ay ang magaling na aktres na si Jasmine Curtis-Smith.

Personal choice nga daw ni John Lloyd na makapareha si Jasmine. Sa panayam nga kay John Lloyd Cruz sa 24 Oras ng GMA 7, ang nasabi ni John Lloyd tungkol kay Jasmine ay:
"Yung role na ginawa niya nung pilot episode namin, I think mahirap 'yon. Hindi lahat yata magagawa 'yon. Ang galing na nakita ko 'yon. Kaya niyang mag-transition from seryosong materyal to a sitcom."   ~John Lloyd.

Sunud-sunod ang mga pagganap ni Jasmine sa mga nakaraang TV series ng Kapuso Network. At ang lahat ng ito ay naging successful. Samantala, inaasahan ng mga fans na magiging maganda ang pelikulang pagtatambalan ngayon nina John Lloyd Cruz at Jasmine Curtis-Smith. And, they are so excited to see it soon.

PAANO NAKILALA NI KORINA SANCHEZ SI DAVID CHUA. Watch this:



Comments