Exciting ang bakasyon nina Pauleen Luna, Vic Sotto at Tali sa Amanpulo

 

Matapos ang mahaba-habang pagtitis ng mga tao na hindi makapunta sa iba't ibang destinasyon, sobrang naging excited sila na makapamasyal muli. Mahirap mag stay sa loob ng bahay lalo pa't kapag walang ginagawa. Kailangan ng fresh air and new environment para manumbalik ang good mood. Ang paglalakbay ay nakakatulong sa tao upang maging masigla sa buhay.

Samantala, ang daming nakakita sa mga ipinost ni Pauleen Luna sa kanyang Instagram page ilang araw pa lang ang nakalilipas. Pinapakita dito ang kanilang bakasyon nina Vic Sotto at kanilang anak. Sila ay nagkaroon ng meaningful and happy trip sa Amanpulo. At ang mas exciting sa kanilang bakasyon ay kasama nila ang mga pamilya ni Danica Sotto at Oyo Boy Sotto.

Bukod sa Boracay, ang trending talaga ngayong puntahan ng mga celebrities ay ang beach ng Amanpulo. Grabe pala ang Amanpulo, kapag nag take ng picture ka ay parang nasa heaven ka dahil sa kulay at ganda ng paligid. Kaya pala gustung-gusto nila pumunta dito.

Dahil sa mga photos at video na ipinakita ni Pauleen sa kanyang Instagram page about their vacation, ay sobrang daming netizens ang namangha at nag-enjoy sa kanilang nakita.

WATCH: Ruffa Gutierrez, ipinagpatuloy ang kanyang college



Comments