Isang magandang balita dahil mukhang nakaka recover na talaga ang mundo mula sa pinagdaanang pandemya. At mas lalong sumaya ang mga artists lalo na dito sa ating bansa dahil sa balitang naghahanda na ang Cultural Center of the Philippines na muling buksan ang kanilang entablado para makapag-perform ang magagaling nating mga artists.
Opo, desidido na sila na magkaroon ng mga live performances sa CCP. Sa katunayan ay ang isa sa mga unang magtatanghal sa prestihiyosong gusali ay ang Philippine Philharmonic Orchestra sa pangunguna ng respetadong maestro na si Herminigildo Ranera.
Itong taong 2022, masasaksihang muli ng mga manonood ang ganda ng mga orchestral classics, gawa ng mga Filipino artsts at mga piling Broadway hits. Excited ang mga manonood na makitang muli sa entablado sina Isay at Robert Seña, Lara Maigue, Bo Cerrudo, ang mga NIghtingales at maraming pang iba.
Para mapasaya ang sambayanang Pilipino, sinasabing may mga pagtatanghal sa CCP na libre at bukas sa publiko. Kaalinsabay nito, prioridad pa rin ang seguridad ng mga tao, kaya maiging sinusunod ng CCP ang nararapat na protocols upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga dadalo dito.
Comments
Post a Comment