Ang pagbisita ni Angel Locsin noong birthday ni Kris Aquino, year 2022

 


Kung tatanungin si Ogie Diaz kung sino ang hinahangaan niyang celebrity, isa na sa listahan niya si Angel Locsin. Dahil totoong mabuti daw itong kaibigan.

Naikwento ni Ogie sa kanyang vlog na nakaka-inspire na malaman na nag stay si Angel Locsin sa hospital kung nasaan si Kris Aquino ngayon. Ang ikinilos nga daw ni Angel ay parang naging mommy siya nina Bimby at Josh. Dahil sa magandang ipinamalas ni Angel, nasabi ni Ogie na napakabuting kaibigan talaga ni Angel.

Noon pa man ay kinagigiliwan na talaga ni Ogie si Angel. Dahil, sa kabila ng mga pagtulong na ginagawa ni Angel ay hindi daw nito ipinagsisigawan na siya ay tumutulong.

Samantala, binisita ni Angel Locsin si Kris upang ipagdiwang ang birthday ni Kris. Bagamat belated happy birthday ito para kay Kris ay natuwa naman ang may birthday dahil dumalo ang kanyang mga kaibigan. Sinasabing naganap ang pagbisita noong Feb. 24. Samantala, ang totoong kaarawan ni Kris ay noong Feb 14.

Ayon kay Kris, matagal na niya talagang kaibigan si Angel Locsin. Nagsimula ang kanilang good relationship noong bagong lipat si Angel sa ABS-CBN. At during that time ay baby pa si Bimby na anak ni Kris. Marami din ang nakasaksi sa joint-force na pagtulong nina Kris at Angel sa mga nasalanta ng bagyong Odette noong nakaraang taon.

Samantala, patuloy sa pakikibaka si Kris upang maging mabuti muli ang kanyang kalusugan. Matatandaan nating nakitaan ng autoimmune disease si Kris mga ilang years na ang nakalilipas. Hindi nawawalan ng pag-asa si Kris at maraming mga taong nagmamahal at nagpapakita ng suporta sa kanya. Lumuwag nga ang kanilang kalooban ng sinabing walang cancer at diabetes si Kris. At malusog din ang kanyang liver at kidney.

BARBIE IMPERIAL AT DIEGO LOYZAGA, KUMPIRMADONG HIWALAY NA. Watch this:


Comments