Vaness del Moral, happy sa loob ng bahay kapag walang work

 


Mas lalong nakilala sa mundo ng show business si Vaness del Moral nang sumali siya sa StarStruck Season 3. Kasabayan niya noon sina Marky Cielo, Jackie Rice, Gian Carlos, Iwa Moto at marami pang iba.
Bagamat na-eliminated si Vaness noong week 2 na ay hindi naman doon nagtapos ang kanyang magandang showbiz career.

Maraming palabas na ang kanyang pinagtampukan at ang tumatak sa mga televiewers ay ang kanyang magaling na pagganap bilang kontrabida sa mga TV series. Sa katunayan, ang isa sa mga latest shows na kanyang kinabibilangan ngayon ay ang palabas ng Kapuso Network na "Widow's Web". Isa itong suspense-thriller series na inaabangan ng mga manonood. Sa palabas na ito, kasama ni Vaness ang magagaling na actress na sina Carmina Villaroel, Pauline Mendoza, at Ashley Ortega. Sinasabing ang director ng magandang TV series na ito ay si Jerry Lopez Sineneng na matagal nang naging director ng ABS=CBN noon at siya ay lumipat recently sa Kapuso Network.

Samantala, masayang-masaya ngayon si Vaness del Moral bilang isang new nanay. Naikwento niya nga na iba pala talaga ang pakiramdam kapag ikaw ay naging isang magulang na. Magbabago ang pananaw mo sa mundo.
Sabi pa nga niya na:
"Oh my God! nag '360 degrees' yung buhay namin sa bahay. Tama nga yung sinabi nila, having a baby requires a lot of time and attention. So lahat ng time and attention napunta kay baby Ellie. Pero masaya at masarap sa pakiramdam,"
~ Vaness

Nanganak ng first baby si Vaness noong May 26, 2021. Together with Matt Kier, masaya si Vaness kahit nag-s-stay lang siya sa bahay kapag walang trabaho. Sabi niya na isa siyang home buddy person. Kaya nga kahit may quarantine pa ay hindi ito magiging problema sa kanya at hindi siya ma-b-bored.

MAGPINSAN PALA SI BRUNO MARS AT RUFFA GUTIERREZ. Watch this:





Comments