Paano nakilala ni Korina Sanchez si David Chua?

Masipag na tao si David Chua. Alam niyo ba na siya pala ang bumubuhay sa kanilang pamilya. Si David ay pumasok sa show business. At siya ang pinaka-inaasahan ng kanyang nanay lalo na noong panahong nabubuhay pa ang kanyang ina.

Dumating sa point na walang masyadong projects noon na binibigay kay David. Kaya naisipan niya dati na mag abroad na lang. Wala na sanang problema at makakapag-abroad na siya subalit biglaang nagkasakit ang kanyang nanay. At na-ospital pa ang kanyang ina. Kaya sobrang laki talaga daw ng gastusin. 

Pero hindi nagpatalo si David. Siya ay nagsikap upang guimaan ang buhay nila. Hanggang sa nakilala niya si Korina Sanchez.

Pagdating sa mga fresh at trending na balita, sikat na sikat si  Korina Sanchez-Roxas bilang isang magaling na host. Matagal nang naging direktor ng programang "Rated Korina"si David Chua. Paano nga ba sila nagkakilala? At bakit sobrang close nila sa isa't isa?

Ang nanay ni David Chua at si Korina ay matagal nang magkakilala at naging magkaibigan. Subalit sa tagal ng kanilang pagiging magkaibigan ay hindi pa alam ni Korina na ang anak pala ng kanyang kaibigan ay si David. Marahil busy si David that time at hindi nagkakatugma ang kanilang time ni Korina na magkita ng personal.

Lumipas ang panahon at sa di inaasahang pagkakataon ay nagkasakit ang nanay ni David. At ito ay sumakabilang buhay. Dumalaw si Korina sa nanay ni David. At ang panahong iyon na nga na nakita ni Korina si David. At nagulat siya na anak pala siya ng kanyang kaibigan. Bago pa namayapa ang ina ni David ay naalala ni Korina na naghabilin ang nanay ni David sa kanya. Na si Korina na daw sana ang bahalang mag bigay ng trabaho sa kanyang anak.

Simula nga noon ay naging close na sina Korina at David sa isa't isa. Naging direktor si David ng palabas ni Korina at mas lalong naging maganda ang mga palabas ni Korina sa pakikipagtulungan ni David.

Bukod sa magkaibigan sina Korina at nanay ni David ay matagal nang kaibigan ni David si Milano Sanchez na kapatid ni Korina Sanchez. Sa katunayan ay naging partners pa nga ito sa isang proyekto. Ito ay ang Dark Carnival Productions na kung saan si Milano ang vice president at si David naman ay ang presidente. Naging successful ang kanilang projects at sa katunayan, ang studio ng Dark Carnival Productions ay naging headquarter na ng palabas na Rated Korina.

ALAMIN KUNG ANO ANG HILIG NI MARIS RACAL




 

Comments