Barbie Imperial at Diego Loyzaga, kumpirmadong hiwalay na

 

Heto ang latest chika tungkol kay Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Sayang na sayang talaga. Yan ang nasabi ng ilang mga netizen. Parang kailan lang ay masayang-masaya ang mga fans nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga na nakikitang magkasama sila bilang magkasintahan. Subalit nagulat sila nang kinumpirma ni Barbie Imperial na break na sila ni Diego Loyzaga.

Bagamat walang masyadong nailahad si Barbie tungkol sa kanilang paghihiwalay, ay nasabi naman niyang naging maayos ang kanilang naging pag-uusap ni Diego Loyzaga. Bago pa nakumpirma ang nasabing breakup, ay may ilang netizen na rin ang nakapansin na tila hindi magkasama sila Barbie at Diego sa mga photos nila sa social media recently. 

Sanay kasi ang mga fans nila na may nakikita sa kanilang social media na kahit walang photos together ay may mga messages sila sa isa't isa sa kani-kanbilang Instagram accounts. Subalit dumaan ang mga holidays na wala silang nakitang ganun.

Ganun pa man, noong mga panahon iyon ay nasa Amerika si Diego. At hindi niya nakasama si Barbie sa U.S. lalo na nung sumapit ang Pasko. Nabanggit din ni Diego na walang passport patungong Amerika si Barbie kaya hindi niya ito nakasama.

Mahigit isang taon ang naging relasyon nina Barbie at Diego. Wala masyadong impormasyon kung bakit daw sila nag split. At marami pa rin sa kanilang mga tagahanga na umaasang magkakabalikan pa rin ang dalawa.

Minsan kailangan talaga ng time and space para makapag-isip. Umaasa ang mga fans nila na maaayos pa nila ito dahil sayang daw.

Angeline Quinto, masayang-masaya na lalaki ang kanyang ipinagbubuntis


 




Comments